16“Kaya sabihin mo sa mga kasamahan mong bihag na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi ‘Kahit ipinabihag ko kayo at ipinangalat sa ibaʼt ibang bansa, kasama nʼyo pa rin ako sa mga lugar na iyon.
17Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing muli ko kayong titipunin mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat at ibibigay kong muli sa inyo ang lupain ng Israel.
18At sa inyong pagbabalik, alisin ninyo ang lahat ng kasuklam-suklam na diyos-diyosan.
19Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin.
20Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.