Ezekiel 11

Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.

Ezekiel 11:20 (UKJV) That they may walk in my statutes, and keep mine ordinances, and do them: and they shall be my people, and I will be their God.

18At sa inyong pagbabalik, alisin ninyo ang lahat ng kasuklam-suklam na diyos-diyosan.

19Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin.

20Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.

21Ngunit ang mga sumasamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan ay parurusahan ko ayon sa mga ginawa nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

22Pagkatapos, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong sa gilid nila at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.