20Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.
21Ngunit ang mga sumasamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan ay parurusahan ko ayon sa mga ginawa nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
22Pagkatapos, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong sa gilid nila at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.
23At pumailanlang ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa lungsod at bumaba sa bundok, sa silangan ng lungsod.
24Pagkatapos, nakita ko sa pangitaing ibinigay sa akin ng Espiritu ng Diyos, na ibinalik ako sa mga bihag doon sa Babilonia. Pagkatapos ay nawala ang pangitain.