19Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin.
20Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.
21Ngunit ang mga sumasamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan ay parurusahan ko ayon sa mga ginawa nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
22Pagkatapos, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong sa gilid nila at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.
23At pumailanlang ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa lungsod at bumaba sa bundok, sa silangan ng lungsod.