Ezekiel 11

At pumailanlang ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa lungsod at bumaba sa bundok, sa silangan ng lungsod.

Ezekiel 11:23 (UKJV) And the glory of the LORD went up from the midst of the city, and stood upon the mountain which is on the east side of the city.

21Ngunit ang mga sumasamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan ay parurusahan ko ayon sa mga ginawa nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

22Pagkatapos, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong sa gilid nila at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.

23At pumailanlang ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa lungsod at bumaba sa bundok, sa silangan ng lungsod.

24Pagkatapos, nakita ko sa pangitaing ibinigay sa akin ng Espiritu ng Diyos, na ibinalik ako sa mga bihag doon sa Babilonia. Pagkatapos ay nawala ang pangitain.

25At isinalaysay ko sa mga bihag ang lahat ng pangitain na ipinakita sa akin ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.