Ezekiel 11

“Kaya sabihin mo sa mga kasamahan mong bihag na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi ‘Kahit ipinabihag ko kayo at ipinangalat sa ibaʼt ibang bansa, kasama nʼyo pa rin ako sa mga lugar na iyon.

Ezekiel 11:16 (UKJV) Therefore say, Thus says the Lord GOD; Although I have cast them far off among the heathen, and although I have scattered them among the countries, yet will I be to them as a little sanctuary in the countries where they shall come.

14Sinabi sa akin ng Panginoon,

15“Anak ng tao, ang mga natitira sa Jerusalem ay nagsabi ng ganito tungkol sa kapwa nila Israelitang binihag: ‘Malayo sila sa Panginoon, kaya sa atin na ibinigay ng Panginoon ang lupaing ito.’

16“Kaya sabihin mo sa mga kasamahan mong bihag na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi ‘Kahit ipinabihag ko kayo at ipinangalat sa ibaʼt ibang bansa, kasama nʼyo pa rin ako sa mga lugar na iyon.

17Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing muli ko kayong titipunin mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat at ibibigay kong muli sa inyo ang lupain ng Israel.

18At sa inyong pagbabalik, alisin ninyo ang lahat ng kasuklam-suklam na diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.