1Pagkatapos, dinala ako ng Espiritu sa Templo ng Panginoon, sa may pintuan na nakaharap sa silangan. May dalawampuʼt limang tao roon, dalawa sa kanila ay sina Jaazanias na anak ni Azur at Pelatia na anak ni Benaias na mga tagapamahala ng mga tao.
2Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sila ang mga taong nagpaplano at nagpapayo ng masama sa lungsod na ito.
3Sinasabi nila, ‘Hindi baʼt malapit na ang panahon upang magtayo ng mga bahay? Ang lungsod natin ay katulad ng kaldero at tayo naman ay parang mga karne sa loob nito.’
4Kaya anak ng tao, magpropesiya ka laban sa kanila.”
5Pagkatapos, nilukuban ako ng Espiritu ng Panginoon at inutusang sabihin ito: “Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo mga mamamayan ng Israel: Alam ko kung ano ang sinasabi at iniisip ninyo.