2Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sila ang mga taong nagpaplano at nagpapayo ng masama sa lungsod na ito.
3Sinasabi nila, ‘Hindi baʼt malapit na ang panahon upang magtayo ng mga bahay? Ang lungsod natin ay katulad ng kaldero at tayo naman ay parang mga karne sa loob nito.’
4Kaya anak ng tao, magpropesiya ka laban sa kanila.”
5Pagkatapos, nilukuban ako ng Espiritu ng Panginoon at inutusang sabihin ito: “Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo mga mamamayan ng Israel: Alam ko kung ano ang sinasabi at iniisip ninyo.
6Marami kayong pinatay sa lungsod na ito at nagkalat ang mga bangkay sa lansangan.