Ezekiel 12

Sabihin mo sa kanila na ang ginawa mo ay isang babala para sa kanila na sila ay mabibihag.

Ezekiel 12:11 (UKJV) Say, I am your sign: like I have done, so shall it be done unto them: they shall remove and go into captivity.

9“Anak ng tao, ngayon, ang mga rebeldeng mamamayan ng Israel ay magtatanong tungkol sa ginawa mo,

10sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay may ipinasasabi sa mga namamahala ng Jerusalem at sa lahat ng mamamayan ng Israel.

11Sabihin mo sa kanila na ang ginawa mo ay isang babala para sa kanila na sila ay mabibihag.

12Kahit ang pinuno nilaʼy papasanin ang sarili niyang dala-dalahan at aalis nang gabi. Dadaan siya sa butas ng dingding na ginawa para sa kanya. Magtatakip siya ng mukha upang hindi niya makita ang lupain.

13Ngunit huhulihin ko siya at dadalhin sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo. Ngunit hindi niya ito makikita, at doon siya mamamatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.