Ezekiel 12

Ngunit huhulihin ko siya at dadalhin sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo. Ngunit hindi niya ito makikita, at doon siya mamamatay.

Ezekiel 12:13 (UKJV) My net also will I spread upon him, and he shall be taken in my snare: and I will bring him to Babylon to the land of the Chaldeans; yet shall he not see it, though he shall die there.

11Sabihin mo sa kanila na ang ginawa mo ay isang babala para sa kanila na sila ay mabibihag.

12Kahit ang pinuno nilaʼy papasanin ang sarili niyang dala-dalahan at aalis nang gabi. Dadaan siya sa butas ng dingding na ginawa para sa kanya. Magtatakip siya ng mukha upang hindi niya makita ang lupain.

13Ngunit huhulihin ko siya at dadalhin sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo. Ngunit hindi niya ito makikita, at doon siya mamamatay.

14Pangangalatin ko sa lahat ng dako ang mga tauhan niya, mga lingkod at mga hukbo. At kahit nasaan sila, ipapapatay ko sila.

15At kapag naipangalat ko na sila sa mga bansa, malalaman nilang ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.