14Pangangalatin ko sa lahat ng dako ang mga tauhan niya, mga lingkod at mga hukbo. At kahit nasaan sila, ipapapatay ko sila.
15At kapag naipangalat ko na sila sa mga bansa, malalaman nilang ako ang Panginoon.
16Ngunit pahihintulutan ko na may makaligtas sa kanila sa digmaan, sa gutom at sa sakit para sabihin nila sa mga bansa ang mga kasuklam-suklam na ginawa nila at malalaman nilang ako ang Panginoon.”
17Sinabi sa akin ng Panginoon,
18“Anak ng tao, manginig ka sa takot habang kumakain ka at umiinom.