Ezekiel 12

Tiyak na mawawala na sa Israel ang mga maling pangitain o mga panghuhula ng kasinungalingan.

Ezekiel 12:24 (UKJV) For there shall be no more any vain vision nor flattering divination within the house of Israel.

22“Anak ng tao, ano itong kasabihan sa Israel na, ‘Lumilipas ang panahon pero hindi natutupad ang mga propesiya?’

23Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay magpapatigil sa kasabihang ito at hindi na muling sasabihin pa sa Israel. Sabihin mo rin sa kanilang malapit nang matupad ang mga propesiya.

24Tiyak na mawawala na sa Israel ang mga maling pangitain o mga panghuhula ng kasinungalingan.

25Sapagkat kapag ako, ang Panginoon ay nagsalita, tiyak na mangyayari. Hindi magtatagal at magaganap na ang mga sinabi ko tungkol sa mga rebeldeng mamamayan. At mangyayari ito sa panahon ninyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

26Sinabi sa akin ng Panginoon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.