20Wawasakin ang mga bayan nila at magiging tiwangwang ito. At malalaman nilang ako ang Panginoon.”
21Sinabing muli ng Panginoon sa akin,
22“Anak ng tao, ano itong kasabihan sa Israel na, ‘Lumilipas ang panahon pero hindi natutupad ang mga propesiya?’
23Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay magpapatigil sa kasabihang ito at hindi na muling sasabihin pa sa Israel. Sabihin mo rin sa kanilang malapit nang matupad ang mga propesiya.
24Tiyak na mawawala na sa Israel ang mga maling pangitain o mga panghuhula ng kasinungalingan.