19Sabihin mo sa mga mamamayan ng Jerusalem at sa lahat ng taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na maguguluhan sila at manginginig sa takot habang kumakain at umiinom, dahil sasamsamin ang mga ari-arian ng bansa nila dahil sa kanilang kalupitan.
20Wawasakin ang mga bayan nila at magiging tiwangwang ito. At malalaman nilang ako ang Panginoon.”
21Sinabing muli ng Panginoon sa akin,
22“Anak ng tao, ano itong kasabihan sa Israel na, ‘Lumilipas ang panahon pero hindi natutupad ang mga propesiya?’
23Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay magpapatigil sa kasabihang ito at hindi na muling sasabihin pa sa Israel. Sabihin mo rin sa kanilang malapit nang matupad ang mga propesiya.