18“Anak ng tao, manginig ka sa takot habang kumakain ka at umiinom.
19Sabihin mo sa mga mamamayan ng Jerusalem at sa lahat ng taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na maguguluhan sila at manginginig sa takot habang kumakain at umiinom, dahil sasamsamin ang mga ari-arian ng bansa nila dahil sa kanilang kalupitan.
20Wawasakin ang mga bayan nila at magiging tiwangwang ito. At malalaman nilang ako ang Panginoon.”
21Sinabing muli ng Panginoon sa akin,
22“Anak ng tao, ano itong kasabihan sa Israel na, ‘Lumilipas ang panahon pero hindi natutupad ang mga propesiya?’