Ezekiel 12

Kaya anak ng tao, maghanda ka ng mga gamit mo at magkunwaring binibihag ka. Pumunta ka sa ibang lugar, gawin mo ito sa araw upang makita ka nila. Baka sakaling sa pamamagitan nito, maunawaan nila ang kanilang mga pagsuway.

Ezekiel 12:3 (UKJV) Therefore, you son of man, prepare you stuff for removing, and remove by day in their sight; and you shall remove from your place to another place in their sight: it may be they will consider, though they be a rebellious house.

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, naninirahan kang kasama ng mga rebeldeng mamamayan. May mga mata sila pero hindi nakakakita, may mga tainga pero hindi nakakarinig, dahil sila ay mga rebelde.

3Kaya anak ng tao, maghanda ka ng mga gamit mo at magkunwaring binibihag ka. Pumunta ka sa ibang lugar, gawin mo ito sa araw upang makita ka nila. Baka sakaling sa pamamagitan nito, maunawaan nila ang kanilang mga pagsuway.

4Samantalang maliwanag pa, ihanda mo ang mga dadalhin mo upang makita ng mga tao. Pagsapit ng gabi, habang nakatingin sila, lumakad kang parang isang bihag.

5Butasan mo ang dingding ng iyong bahay at doon ilabas ang iyong mga dala-dalahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.