Ezekiel 12

Samantalang maliwanag pa, ihanda mo ang mga dadalhin mo upang makita ng mga tao. Pagsapit ng gabi, habang nakatingin sila, lumakad kang parang isang bihag.

Ezekiel 12:4 (UKJV) Then shall you bring forth your stuff by day in their sight, as stuff for removing: and you shall go forth at even in their sight, as they that go forth into captivity.

2“Anak ng tao, naninirahan kang kasama ng mga rebeldeng mamamayan. May mga mata sila pero hindi nakakakita, may mga tainga pero hindi nakakarinig, dahil sila ay mga rebelde.

3Kaya anak ng tao, maghanda ka ng mga gamit mo at magkunwaring binibihag ka. Pumunta ka sa ibang lugar, gawin mo ito sa araw upang makita ka nila. Baka sakaling sa pamamagitan nito, maunawaan nila ang kanilang mga pagsuway.

4Samantalang maliwanag pa, ihanda mo ang mga dadalhin mo upang makita ng mga tao. Pagsapit ng gabi, habang nakatingin sila, lumakad kang parang isang bihag.

5Butasan mo ang dingding ng iyong bahay at doon ilabas ang iyong mga dala-dalahan.

6Habang nakatingin sila, pasanin mo ang mga dala-dalahan moʼt lumakad ka sa gabi. Takpan mo ang iyong mukha upang hindi makita ang lupain na iyong iiwan. Ang gagawin mong ito ay magiging babala sa mga mamamayan ng Israel.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.