9Parurusahan ko ang mga propetang hindi totoo ang pangitain at kasinungalingan ang mga hula. Hindi ko sila ituturing na kabilang ng aking mga mamamayan at ang mga pangalan nilaʼy hindi isusulat sa talaan ng mga mamamayan ng Israel at hindi maaaring pumasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako ang Makapangyarihang Panginoon.
10“Inililigaw ng mga propetang ito ang aking mga mamamayan sa pagsasabi ng ‘Kapayapaan,’ subalit wala namang kapayapaan. Parang tinatabunan lang ng apog at putik ang mahinang pader na itinatayo ng mga mamamayan.
11Sabihin mo sa mga nagtapal na mawawasak ang pader na ito, dahil darating ang malakas na bagyo at uulan ng yelong kasintigas ng bato na wawasak sa pader na ito.
12At kapag nawasak na ito, magtatanong ang mga tao sa kanila, ‘Ano ang naitulong ng itinapal ninyo?’
13“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Sa tindi ng galit ko, wawasakin ko ang pader sa pamamagitan ng malakas na bagyo, pag-ulan ng yelo na kasintigas ng bato, at malakas na ulan.