Ezekiel 13

Parurusahan ko ang mga propetang hindi totoo ang pangitain at kasinungalingan ang mga hula. Hindi ko sila ituturing na kabilang ng aking mga mamamayan at ang mga pangalan nilaʼy hindi isusulat sa talaan ng mga mamamayan ng Israel at hindi maaaring pumasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako ang Makapangyarihang Panginoon.

Ezekiel 13:9 (UKJV) And mine hand shall be upon the prophets that see vanity, and that divine lies: they shall not be in the assembly of my people, neither shall they be written in the writing of the house of Israel, neither shall they enter into the land of Israel; and all of you shall know that I am the Lord GOD.

7Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang, ‘Sinabi ito ng Panginoon,’ pero hindi iyon nanggaling sa akin.

8“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na kakalabanin ko sila dahil kasinungalingan ang mga hula nila at hindi totoo ang kanilang mga pangitain.

9Parurusahan ko ang mga propetang hindi totoo ang pangitain at kasinungalingan ang mga hula. Hindi ko sila ituturing na kabilang ng aking mga mamamayan at ang mga pangalan nilaʼy hindi isusulat sa talaan ng mga mamamayan ng Israel at hindi maaaring pumasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako ang Makapangyarihang Panginoon.

10“Inililigaw ng mga propetang ito ang aking mga mamamayan sa pagsasabi ng ‘Kapayapaan,’ subalit wala namang kapayapaan. Parang tinatabunan lang ng apog at putik ang mahinang pader na itinatayo ng mga mamamayan.

11Sabihin mo sa mga nagtapal na mawawasak ang pader na ito, dahil darating ang malakas na bagyo at uulan ng yelong kasintigas ng bato na wawasak sa pader na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.