Ezekiel 13

“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na kakalabanin ko sila dahil kasinungalingan ang mga hula nila at hindi totoo ang kanilang mga pangitain.

Ezekiel 13:8 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Because all of you have spoken vanity, and seen lies, therefore, behold, I am against you, says the Lord GOD.

6Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang mula sa Panginoon ang sinasabi nila pero ang totooʼy hindi ko sila sinugo at hinihintay nilang maganap ito.

7Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang, ‘Sinabi ito ng Panginoon,’ pero hindi iyon nanggaling sa akin.

8“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na kakalabanin ko sila dahil kasinungalingan ang mga hula nila at hindi totoo ang kanilang mga pangitain.

9Parurusahan ko ang mga propetang hindi totoo ang pangitain at kasinungalingan ang mga hula. Hindi ko sila ituturing na kabilang ng aking mga mamamayan at ang mga pangalan nilaʼy hindi isusulat sa talaan ng mga mamamayan ng Israel at hindi maaaring pumasok sa lupain ng Israel. At malalaman ninyong ako ang Makapangyarihang Panginoon.

10“Inililigaw ng mga propetang ito ang aking mga mamamayan sa pagsasabi ng ‘Kapayapaan,’ subalit wala namang kapayapaan. Parang tinatabunan lang ng apog at putik ang mahinang pader na itinatayo ng mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.