Ezekiel 13

Sabihin mo sa kanilang ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi: Kahabag-habag kayo, kayong mga babaeng bumibiktima sa mga mamamayan ko, maging mga bata o matatanda sa pamamagitan ng mga anting-anting ninyo. Nilalagyan ninyo sila ng mga anting-anting na pulseras sa kanilang kamay at belo sa mga ulo. Binibiktima ninyo ang mga mamamayan ko para sa pansarili ninyong kapakinabangan.

Ezekiel 13:18 (UKJV) And say, Thus says the Lord GOD; Woe to the women that sew pillows to all armholes, and make kerchiefs upon the head of every stature to hunt souls! Will all of you hunt the souls of my people, and will all of you save the souls alive that come unto you?

16na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem at nakakita ng mga pangitain ng kapayapaan, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

17“Ngayon naman, anak ng tao, magpropesiya ka laban sa mga babaeng nanghuhula mula sa sarili nilang isipan.

18Sabihin mo sa kanilang ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi: Kahabag-habag kayo, kayong mga babaeng bumibiktima sa mga mamamayan ko, maging mga bata o matatanda sa pamamagitan ng mga anting-anting ninyo. Nilalagyan ninyo sila ng mga anting-anting na pulseras sa kanilang kamay at belo sa mga ulo. Binibiktima ninyo ang mga mamamayan ko para sa pansarili ninyong kapakinabangan.

19Nilalapastangan ninyo ako sa harap ng mga mamamayan ko para lang sa kaunting sebada at ilang tinapay. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay sinasabi ninyong mamamatay ang hindi dapat mamatay at hindi mamamatay ang dapat mamatay. At naniniwala naman ang mga mamamayan ko sa kasinungalingan ninyo.

20“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing: Labis akong nagagalit sa mga anting-anting na ginagamit ninyo upang biktimahin ang mga tao na parang mga ibong nahuli sa bitag. Hahablutin ko ang mga anting-anting ninyo sa kamay at palalayain ko ang mga taong hinuli ninyo na parang ibon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.