15Ipaparamdam ko ang galit ko sa pader at sa mga nagtapal dito. At ipamamalita ko na wala na ang pader at ang mga nagtapal nito,
16na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem at nakakita ng mga pangitain ng kapayapaan, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
17“Ngayon naman, anak ng tao, magpropesiya ka laban sa mga babaeng nanghuhula mula sa sarili nilang isipan.
18Sabihin mo sa kanilang ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi: Kahabag-habag kayo, kayong mga babaeng bumibiktima sa mga mamamayan ko, maging mga bata o matatanda sa pamamagitan ng mga anting-anting ninyo. Nilalagyan ninyo sila ng mga anting-anting na pulseras sa kanilang kamay at belo sa mga ulo. Binibiktima ninyo ang mga mamamayan ko para sa pansarili ninyong kapakinabangan.
19Nilalapastangan ninyo ako sa harap ng mga mamamayan ko para lang sa kaunting sebada at ilang tinapay. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay sinasabi ninyong mamamatay ang hindi dapat mamatay at hindi mamamatay ang dapat mamatay. At naniniwala naman ang mga mamamayan ko sa kasinungalingan ninyo.