13“Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Sa tindi ng galit ko, wawasakin ko ang pader sa pamamagitan ng malakas na bagyo, pag-ulan ng yelo na kasintigas ng bato, at malakas na ulan.
14Oo, wawasakin ko ang pader na tinapalan ninyo ng apog at putik. Wawasakin ko ito hanggang sa lumabas ang pundasyon nito. At kapag nawasak na ito, babagsakan kayo at mamamatay. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.
15Ipaparamdam ko ang galit ko sa pader at sa mga nagtapal dito. At ipamamalita ko na wala na ang pader at ang mga nagtapal nito,
16na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem at nakakita ng mga pangitain ng kapayapaan, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
17“Ngayon naman, anak ng tao, magpropesiya ka laban sa mga babaeng nanghuhula mula sa sarili nilang isipan.