2“Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bulaang propeta ng Israel na nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo na pakinggan nila ang mensahe ng Panginoon:
3Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain: ‘Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.’
4O Israel, ang mga propeta moʼy katulad ng mga asong-gubat na nasa gibang lungsod.
5Ang katulad nilaʼy mga walang pakialam sa wasak na mga pader ng Israel na hindi inayos upang maging matibay dumating man ang digmaan, sa araw ng paghatol ng Panginoon.
6Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang mula sa Panginoon ang sinasabi nila pero ang totooʼy hindi ko sila sinugo at hinihintay nilang maganap ito.