Ezekiel 13

Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain: ‘Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.’

Ezekiel 13:3 (UKJV) Thus says the Lord GOD; Woe unto the foolish prophets, that follow their own spirit, and have seen nothing!

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bulaang propeta ng Israel na nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo na pakinggan nila ang mensahe ng Panginoon:

3Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain: ‘Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.’

4O Israel, ang mga propeta moʼy katulad ng mga asong-gubat na nasa gibang lungsod.

5Ang katulad nilaʼy mga walang pakialam sa wasak na mga pader ng Israel na hindi inayos upang maging matibay dumating man ang digmaan, sa araw ng paghatol ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.