Ezekiel 14

Ngunit may makakaligtas sa kanila na dadalhin dito sa Babilonia upang isama sa inyo bilang mga bihag. Makikita ninyo ang masasamang ugali nila at gawa, at mawawala ang sama ng loob ninyo sa akin sa pagpaparusa ko sa Jerusalem.

Ezekiel 14:22 (UKJV) Yet, behold, therein shall be left a remnant that shall be brought forth, both sons and daughters: behold, they shall come forth unto you, and all of you shall see their way and their doings: and all of you shall be comforted concerning the evil that I have brought upon Jerusalem, even concerning all that I have brought upon it.

20kahit na kasama pa nga nila sina Noe, Daniel at Job, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi nila maililigtas kahit ang kanilang mga anak kundi ang mga sarili lang nila dahil sa matuwid nilang pamumuhay.

21“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na magiging kahabag-habag ang Jerusalem kapag ipinadala ko na sa kanila ang apat na mabibigat na parusa – ang digmaan, taggutom, mababangis na hayop at mga karamdaman – na papatay sa mga mamamayan nila at mga hayop.

22Ngunit may makakaligtas sa kanila na dadalhin dito sa Babilonia upang isama sa inyo bilang mga bihag. Makikita ninyo ang masasamang ugali nila at gawa, at mawawala ang sama ng loob ninyo sa akin sa pagpaparusa ko sa Jerusalem.

23Oo, mawawala ang sama ng loob ninyo kapag nakita ninyo ang pag-uugali nila at mga gawa, at maiintindihan ninyo na tama ang ginawa ko sa mga taga-Jerusalem. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.