4Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: ‘Ang sinumang Israelitang nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humihingi ng payo sa isang propeta ay tuwiran kong sasagutin sa pamamagitan ng parusang nararapat at ayon sa dami ng kanyang mga diyos-diyosan.
5Gagawin ko ito upang magsibalik sa akin ang lahat ng Israelitang lumayo sa akin dahil sa mga diyos-diyosan nila.’
6“Kaya sabihin mo ngayon sa mga Israelitang ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Magsisi kayo at itakwil na ang mga diyos-diyosan ninyo at talikuran ang lahat ng kasuklam-suklam ninyong mga gawa.
7Ang sinumang Israelita o dayuhang nakatira sa Israel, na humiwalay sa akin at nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humingi ng payo sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa mga propeta, ako, ang Panginoon, ang tuwirang sasagot mismo sa kanya sa pamamagitan ng parusa.
8Kakalabanin ko siya at gagawing babala sa mga tao, at siyaʼy pag-uusapan nila. Ihihiwalay ko siya sa mga mamamayan ko. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.