Ezekiel 14

Ang sinumang Israelita o dayuhang nakatira sa Israel, na humiwalay sa akin at nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humingi ng payo sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa mga propeta, ako, ang Panginoon, ang tuwirang sasagot mismo sa kanya sa pamamagitan ng parusa.

Ezekiel 14:7 (UKJV) For every one of the house of Israel, or of the stranger that sojourns in Israel, which separates himself from me, and sets up his idols in his heart, and puts the stumbling block of his iniquity before his face, and comes to a prophet to enquire of him concerning me; I the LORD will answer him by myself:

5Gagawin ko ito upang magsibalik sa akin ang lahat ng Israelitang lumayo sa akin dahil sa mga diyos-diyosan nila.’

6“Kaya sabihin mo ngayon sa mga Israelitang ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Magsisi kayo at itakwil na ang mga diyos-diyosan ninyo at talikuran ang lahat ng kasuklam-suklam ninyong mga gawa.

7Ang sinumang Israelita o dayuhang nakatira sa Israel, na humiwalay sa akin at nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humingi ng payo sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa mga propeta, ako, ang Panginoon, ang tuwirang sasagot mismo sa kanya sa pamamagitan ng parusa.

8Kakalabanin ko siya at gagawing babala sa mga tao, at siyaʼy pag-uusapan nila. Ihihiwalay ko siya sa mga mamamayan ko. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

9“Kung ang isang propeta ay iniligaw sa pagpapahayag ng mali, itoʼy dahil sa ako, ang Panginoon ay nag-udyok sa kanya upang magpahayag ng mali. Parurusahan ko siya at ihihiwalay sa mga mamamayan kong Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.