Ezekiel 14

“Kung ang isang propeta ay iniligaw sa pagpapahayag ng mali, itoʼy dahil sa ako, ang Panginoon ay nag-udyok sa kanya upang magpahayag ng mali. Parurusahan ko siya at ihihiwalay sa mga mamamayan kong Israel.

Ezekiel 14:9 (UKJV) And if the prophet be deceived when he has spoken a thing, I the LORD have deceived that prophet, and I will stretch out my hand upon him, and will destroy him from the midst of my people Israel.

7Ang sinumang Israelita o dayuhang nakatira sa Israel, na humiwalay sa akin at nagmamahal sa mga diyos-diyosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humingi ng payo sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa mga propeta, ako, ang Panginoon, ang tuwirang sasagot mismo sa kanya sa pamamagitan ng parusa.

8Kakalabanin ko siya at gagawing babala sa mga tao, at siyaʼy pag-uusapan nila. Ihihiwalay ko siya sa mga mamamayan ko. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

9“Kung ang isang propeta ay iniligaw sa pagpapahayag ng mali, itoʼy dahil sa ako, ang Panginoon ay nag-udyok sa kanya upang magpahayag ng mali. Parurusahan ko siya at ihihiwalay sa mga mamamayan kong Israel.

10Ang propetang iyon at ang mga taong humingi ng payo sa kanya ay parehong magdurusa dahil sa kanilang kasalanan.

11Gagawin ko ito upang ang mga Israelita ay hindi na lumayo sa akin at nang hindi na nila dungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan. Kung magkagayon, magiging mga mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.