Ezekiel 14

Ang propetang iyon at ang mga taong humingi ng payo sa kanya ay parehong magdurusa dahil sa kanilang kasalanan.

Ezekiel 14:10 (UKJV) And they shall bear the punishment of their iniquity: the punishment of the prophet shall be even as the punishment of him that seeks unto him;

8Kakalabanin ko siya at gagawing babala sa mga tao, at siyaʼy pag-uusapan nila. Ihihiwalay ko siya sa mga mamamayan ko. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

9“Kung ang isang propeta ay iniligaw sa pagpapahayag ng mali, itoʼy dahil sa ako, ang Panginoon ay nag-udyok sa kanya upang magpahayag ng mali. Parurusahan ko siya at ihihiwalay sa mga mamamayan kong Israel.

10Ang propetang iyon at ang mga taong humingi ng payo sa kanya ay parehong magdurusa dahil sa kanilang kasalanan.

11Gagawin ko ito upang ang mga Israelita ay hindi na lumayo sa akin at nang hindi na nila dungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan. Kung magkagayon, magiging mga mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

12Sinabi sa akin ng Panginoon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.