Ezekiel 14

Gagawin ko ito upang ang mga Israelita ay hindi na lumayo sa akin at nang hindi na nila dungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan. Kung magkagayon, magiging mga mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ezekiel 14:11 (UKJV) That the house of Israel may go no more astray from me, neither be polluted any more with all their transgressions; but that they may be my people, and I may be their God, says the Lord GOD.

9“Kung ang isang propeta ay iniligaw sa pagpapahayag ng mali, itoʼy dahil sa ako, ang Panginoon ay nag-udyok sa kanya upang magpahayag ng mali. Parurusahan ko siya at ihihiwalay sa mga mamamayan kong Israel.

10Ang propetang iyon at ang mga taong humingi ng payo sa kanya ay parehong magdurusa dahil sa kanilang kasalanan.

11Gagawin ko ito upang ang mga Israelita ay hindi na lumayo sa akin at nang hindi na nila dungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan. Kung magkagayon, magiging mga mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

12Sinabi sa akin ng Panginoon,

13“Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa pamamagitan ng pagtatakwil sa akin, parurusahan ko sila at aalisin ko ang pinagmumulan ng kanilang pagkain. Magpapadala ako ng taggutom upang mamatay sila pati na ang kanilang mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.