Ezekiel 14

“Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa pamamagitan ng pagtatakwil sa akin, parurusahan ko sila at aalisin ko ang pinagmumulan ng kanilang pagkain. Magpapadala ako ng taggutom upang mamatay sila pati na ang kanilang mga hayop.

Ezekiel 14:13 (UKJV) Son of man, when the land sins against me by trespassing grievously, then will I stretch out mine hand upon it, and will break the staff of the bread thereof, and will send famine upon it, and will cut off man and beast from it:

11Gagawin ko ito upang ang mga Israelita ay hindi na lumayo sa akin at nang hindi na nila dungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan. Kung magkagayon, magiging mga mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

12Sinabi sa akin ng Panginoon,

13“Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa pamamagitan ng pagtatakwil sa akin, parurusahan ko sila at aalisin ko ang pinagmumulan ng kanilang pagkain. Magpapadala ako ng taggutom upang mamatay sila pati na ang kanilang mga hayop.

14Kahit kasama pa nila sina Noe, Daniel at Job, silang tatlo lang ang maliligtas dahil sa matuwid nilang pamumuhay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

15“Sakaling magpadala ako ng mababangis na hayop sa bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan, magiging tiwangwang ito at walang dadaan doon dahil sa takot sa mababangis na hayop,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.