Ezekiel 14

“Sakaling magpadala ako ng mababangis na hayop sa bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan, magiging tiwangwang ito at walang dadaan doon dahil sa takot sa mababangis na hayop,

Ezekiel 14:15 (UKJV) If I cause dangerous beasts to pass through the land, and they spoil it, so that it be desolate, that no man may pass through because of the beasts:

13“Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa pamamagitan ng pagtatakwil sa akin, parurusahan ko sila at aalisin ko ang pinagmumulan ng kanilang pagkain. Magpapadala ako ng taggutom upang mamatay sila pati na ang kanilang mga hayop.

14Kahit kasama pa nila sina Noe, Daniel at Job, silang tatlo lang ang maliligtas dahil sa matuwid nilang pamumuhay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

15“Sakaling magpadala ako ng mababangis na hayop sa bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan, magiging tiwangwang ito at walang dadaan doon dahil sa takot sa mababangis na hayop,

16kahit na kasama pa nila ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi makapagliligtas ang tatlong iyon kahit ng mga anak nila. Sila lang ang maliligtas, at ang bansang iyon ay magiging tiwangwang.

17“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.