Ezekiel 14

“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

Ezekiel 14:17 (UKJV) Or if I bring a sword upon that land, and say, Sword, go through the land; so that I cut off man and beast from it:

15“Sakaling magpadala ako ng mababangis na hayop sa bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan, magiging tiwangwang ito at walang dadaan doon dahil sa takot sa mababangis na hayop,

16kahit na kasama pa nila ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi makapagliligtas ang tatlong iyon kahit ng mga anak nila. Sila lang ang maliligtas, at ang bansang iyon ay magiging tiwangwang.

17“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

18kahit na kasama pa nila ulit ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi pa rin nila maililigtas kahit ang mga anak nila maliban lang sa kanilang sarili.

19“O kung dahil sa galit ko sa kanila, padalhan ko ng sakit ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.