Ezekiel 14

kahit na kasama pa nila ulit ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi pa rin nila maililigtas kahit ang mga anak nila maliban lang sa kanilang sarili.

Ezekiel 14:18 (UKJV) Though these three men were in it, as I live, says the Lord GOD, they shall deliver neither sons nor daughters, but they only shall be delivered themselves.

16kahit na kasama pa nila ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi makapagliligtas ang tatlong iyon kahit ng mga anak nila. Sila lang ang maliligtas, at ang bansang iyon ay magiging tiwangwang.

17“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

18kahit na kasama pa nila ulit ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi pa rin nila maililigtas kahit ang mga anak nila maliban lang sa kanilang sarili.

19“O kung dahil sa galit ko sa kanila, padalhan ko ng sakit ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

20kahit na kasama pa nga nila sina Noe, Daniel at Job, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi nila maililigtas kahit ang kanilang mga anak kundi ang mga sarili lang nila dahil sa matuwid nilang pamumuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.