Ezekiel 14

kahit na kasama pa nila ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi makapagliligtas ang tatlong iyon kahit ng mga anak nila. Sila lang ang maliligtas, at ang bansang iyon ay magiging tiwangwang.

Ezekiel 14:16 (UKJV) Though these three men were in it, as I live, says the Lord GOD, they shall deliver neither sons nor daughters; they only shall be delivered, but the land shall be desolate.

14Kahit kasama pa nila sina Noe, Daniel at Job, silang tatlo lang ang maliligtas dahil sa matuwid nilang pamumuhay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

15“Sakaling magpadala ako ng mababangis na hayop sa bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan, magiging tiwangwang ito at walang dadaan doon dahil sa takot sa mababangis na hayop,

16kahit na kasama pa nila ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi makapagliligtas ang tatlong iyon kahit ng mga anak nila. Sila lang ang maliligtas, at ang bansang iyon ay magiging tiwangwang.

17“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

18kahit na kasama pa nila ulit ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi pa rin nila maililigtas kahit ang mga anak nila maliban lang sa kanilang sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.