Ezekiel 14

“O kung dahil sa galit ko sa kanila, padalhan ko ng sakit ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

Ezekiel 14:19 (UKJV) Or if I send a pestilence into that land, and pour out my fury upon it in blood, to cut off from it man and beast:

17“O kung padalhan ko naman ng digmaan ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

18kahit na kasama pa nila ulit ang tatlong taong binanggit ko, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi pa rin nila maililigtas kahit ang mga anak nila maliban lang sa kanilang sarili.

19“O kung dahil sa galit ko sa kanila, padalhan ko ng sakit ang bansang iyon upang patayin ang mga mamamayan at ang mga hayop nila,

20kahit na kasama pa nga nila sina Noe, Daniel at Job, ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang hindi nila maililigtas kahit ang kanilang mga anak kundi ang mga sarili lang nila dahil sa matuwid nilang pamumuhay.

21“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi na magiging kahabag-habag ang Jerusalem kapag ipinadala ko na sa kanila ang apat na mabibigat na parusa – ang digmaan, taggutom, mababangis na hayop at mga karamdaman – na papatay sa mga mamamayan nila at mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.