Ezekiel 15

Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan?

Ezekiel 15:3 (UKJV) Shall wood be taken thereof to do any work? or will men take a pin of it to hang any vessel thereon?

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy?

3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan?

4Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok.

5Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.