Ezekiel 15

Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok.

Ezekiel 15:4 (UKJV) Behold, it is cast into the fire for fuel; the fire devours both the ends of it, and the midst of it is burned. Is it meet for any work?

2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy?

3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan?

4Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok.

5Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.

6“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.