Ezekiel 16

Naging tanyag ka sa mga bansa dahil sa labis mong kagandahan, at sa karangyaang ibinigay ko sa iyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Ezekiel 16:14 (UKJV) And your renown went forth among the heathen for your beauty: for it was perfect through my loveliness, which I had put upon you, says the Lord GOD.

12Binigyan din kita ng singsing para sa ilong, hikaw at korona.

13Pinalamutian kita ng pilak at ginto, dinamitan ng pinong lino, mamahaling tela at burdadong damit. Ang pagkain moʼy mula sa pinakamagandang klase ng harina, pulot at langis ng olibo. Mas gumanda ka at ikaw ay naging reyna.

14Naging tanyag ka sa mga bansa dahil sa labis mong kagandahan, at sa karangyaang ibinigay ko sa iyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

15“Ngunit, nagtiwala ka sa iyong kagandahan at ginamit mo ang iyong katanyagan. Tulad ng isang babaeng bayaran, ipinagamit mo ang sarili mo sa kung kani-kaninong lalaki at nagpakasasa sila sa iyo.

16Ginamit mo ang iba mong damit upang pagandahin ang mga sambahan sa matataas na lugar at dooʼy ipinagamit mo ang iyong sarili sa mga lalaki. Hindi ito dapat nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.