16Ginamit mo ang iba mong damit upang pagandahin ang mga sambahan sa matataas na lugar at dooʼy ipinagamit mo ang iyong sarili sa mga lalaki. Hindi ito dapat nangyari.
17Ginamit mo rin ang mga pilak at gintong alahas na ibinigay ko sa iyo sa paggawa ng mga lalaking diyos-diyosan na sinamba mo at naging tulad ka ng babaeng bayaran.
18Pinadamitan mo ang mga diyos-diyosang iyon ng mga damit na may mga burda na ibinigay ko sa iyo at inihandog mo sa kanila ang mga langis ko at insenso.
19Inihandog mo rin sa kanila ang mga pagkaing ibinigay ko sa iyo mula sa magandang klaseng harina, pulot at langis ng olibo. Inihandog mo ito sa kanila bilang mabangong handog. Oo, iyan nga ang nangyari. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
20“Inihandog mo ang mga anak natin sa iyong mga diyos-diyosan upang kainin. Hindi ka pa ba nasisiyahan sa pagpapagamit mo sa kanila?