Ezekiel 16

“At hindi ka pa nakontento, nagpagamit ka rin bilang babaeng bayaran sa mga taga-Asiria. Ngunit pagkatapos, hindi ka pa rin nasiyahan.

Ezekiel 16:28 (UKJV) You have played the whore also with the Assyrians, because you were insatiable; yea, you have played the harlot with them, and yet could not be satisfied.

26Nagpagamit ka tulad ng babaeng bayaran sa mga taga-Ehiptong kalapit-bansa mong malibog. Ginalit mo ako sa pamamagitan ng patuloy mong pagpapagamit bilang babaeng bayaran.

27Kaya pinarusahan kita at pinaliit ang nasasakupan mo. Ipinasakop kita sa mga kaaway mong Filisteo. Kahit sila ay nagulat sa iyong kahalayan.

28“At hindi ka pa nakontento, nagpagamit ka rin bilang babaeng bayaran sa mga taga-Asiria. Ngunit pagkatapos, hindi ka pa rin nasiyahan.

29Lalo pang tumindi ang iyong pagnanasa at nangalunya ka pa sa Babilonia na lugar ng mga mangangalakal, pero hindi ka pa rin nasiyahan.

30“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing kay dali mong mahikayat! Para kang babaeng bayaran na walang kahihiyan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.