Ezekiel 16

Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipinakita mo ang iyong kahalayan at kahubaran sa mga mangingibig mo at sa mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan. Pinatay mo ang mga anak mo at inihandog sa kanila.

Ezekiel 16:36 (UKJV) Thus says the Lord GOD; Because your filthiness was poured out, and your nakedness discovered through your whoredoms with your lovers, and with all the idols of your abominations, and by the blood of your children, which you did give unto them;

34Kabaligtaran ka ng mga babaeng bayaran! Walang nagyayaya sa iyo upang sumiping; ikaw pa ang nagyayaya. Hindi ka na nagpapabayad, ikaw pa ang nagbabayad. Kakaiba ka talaga!

35“Kaya ikaw babaeng bayaran, pakinggan mo ang sasabihin ng Panginoon!

36Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipinakita mo ang iyong kahalayan at kahubaran sa mga mangingibig mo at sa mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan. Pinatay mo ang mga anak mo at inihandog sa kanila.

37Dahil sa ginawa mong ito, titipunin ko ang mga mangingibig na pinasasaya mo, ang mga minahal at kahit ang mga kinainisan mo. Titipunin ko sila upang kalabanin ka at huhubaran kita sa harap nila upang makita nila ang kahubaran mo.

38Paparusahan kita dahil sa pangangalunya mo at pagpatay. At dahil sa tindi ng galit ko at panibugho, papatayin kita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.