Ezekiel 16

Kabaligtaran ka ng mga babaeng bayaran! Walang nagyayaya sa iyo upang sumiping; ikaw pa ang nagyayaya. Hindi ka na nagpapabayad, ikaw pa ang nagbabayad. Kakaiba ka talaga!

Ezekiel 16:34 (UKJV) And the contrary is in you from other women in your whoredoms, whereas none follows you to commit whoredoms: and in that you give a reward, and no reward is given unto you, therefore you are contrary.

32Isa kang babaeng mangangalunya! Mas gusto mo pang sumiping sa iba kaysa sa asawa mo!

33Tumatanggap ng bayad ang mga babaeng bayaran, pero ikaw, ikaw pa ang nagbibigay ng mga regalo sa mga mangingibig mo upang suhulan silang makipagtalik sa iyo.

34Kabaligtaran ka ng mga babaeng bayaran! Walang nagyayaya sa iyo upang sumiping; ikaw pa ang nagyayaya. Hindi ka na nagpapabayad, ikaw pa ang nagbabayad. Kakaiba ka talaga!

35“Kaya ikaw babaeng bayaran, pakinggan mo ang sasabihin ng Panginoon!

36Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Ipinakita mo ang iyong kahalayan at kahubaran sa mga mangingibig mo at sa mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan. Pinatay mo ang mga anak mo at inihandog sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.