Ezekiel 16

Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay nagsasabi na ang kapatid mong Sodoma at ang mga anak niyang babae ay hindi gumawa ng tulad ng ginawa mo at ng mga anak mong babae.

Ezekiel 16:48 (UKJV) As I live, says the Lord GOD, Sodom your sister has not done, she nor her daughters, as you have done, you and your daughters.

46Ang nakatatanda mong kapatid na babae ay ang Samaria sa hilaga kasama ang mga anak niyang babae at ang nakababata mong kapatid na babae ay ang Sodoma sa timog pati na ang mga anak niyang babae.

47Sinunod mo ang mga pag-uugali at kasuklam-suklam na gawain nila. At sa loob lang ng maikling panahon ay mas masama pa ang ginawa mo kaysa sa kanila.

48Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay nagsasabi na ang kapatid mong Sodoma at ang mga anak niyang babae ay hindi gumawa ng tulad ng ginawa mo at ng mga anak mong babae.

49Ang kasalanan ng kapatid mong Sodoma ay pagmamataas. Siya at ang mga anak niyang babae ay sagana sa pagkain at maunlad ang buhay, pero hindi sila tumulong sa mahihirap at mga nangangailangan.

50Sa pagmamataas nila, gumawa sila ng kasuklam-suklam sa paningin ko, kaya pinarusahan ko sila katulad nga ng nakita mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.