Ezekiel 17

Ngunit nagrebelde ang hari ng Juda sa hari ng Babilonia. Nagpadala ng mga tao sa Ehipto ang hari ng Juda upang humingi ng mga kabayo at sundalo. Ngunit magtatagumpay kaya siya? Makakatakas kaya siyaʼt makakaligtas sa parusa dahil sa pagsira niya sa kasunduan sa Babilonia?

Ezekiel 17:15 (UKJV) But he rebelled against him in sending his ambassadors into Egypt, that they might give him horses and much people. Shall he prosper? shall he escape that does such things? or shall he break the covenant, and be delivered?

13Kinuha niya ang isa sa mga anak ng hari ng Juda at gumawa sila ng kasunduan, pinasumpa niya ang anak ng hari na maglilingkod sa kanya. Binihag din niya ang mga marangal na tao ng Juda,

14upang hindi na makabangong muli ang kahariang ito at hindi na makalaban sa kanya. Ang kahariang ito ay mananatili kung ipagpapatuloy niya ang kanyang kasunduan sa Babilonia.

15Ngunit nagrebelde ang hari ng Juda sa hari ng Babilonia. Nagpadala ng mga tao sa Ehipto ang hari ng Juda upang humingi ng mga kabayo at sundalo. Ngunit magtatagumpay kaya siya? Makakatakas kaya siyaʼt makakaligtas sa parusa dahil sa pagsira niya sa kasunduan sa Babilonia?

16Hindi! Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpa na ang hari ng Juda ay siguradong mamamatay sa Babilonia dahil sinira niya ang sinumpaang kasunduan sa hari nito na nagluklok sa kanya sa trono.

17Hindi siya matutulungan ng Faraon sa digmaan, pati na ang napakarami at makapangyarihang sundalo nito kapag sumalakay na ang mga taga-Babilonia upang puksain ang maraming buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.