7“Ngunit may isa pang malaking agilang dumating. Malapad din ang mga pakpak at malago ang balahibo. Ang mga ugat at sanga ng baging na iyon ay gumapang papunta sa agila upang mabigyan ito ng mas maraming tubig kaysa sa lupang tinubuan nito.
8Nakatanim ang baging na ito sa matabang lupa na sagana sa tubig upang tumubo, mamunga at maging maganda.
9“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay magtatanong: Patuloy ba itong tutubo? Hindi! Bubunutin ito at kukunin ang mga bunga at pababayaang malanta. Napakadali nitong bunutin, hindi na kinakailangan ng lakas o maraming tao upang bunutin ito.
10Kahit na itanim itong muli sa ibang lugar hindi na ito tutubo? Tuluyan na itong malalanta kapag nahipan na ng mainit na hangin mula sa silangan.”
11Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon,