Ezekiel 17

“Ngunit may isa pang malaking agilang dumating. Malapad din ang mga pakpak at malago ang balahibo. Ang mga ugat at sanga ng baging na iyon ay gumapang papunta sa agila upang mabigyan ito ng mas maraming tubig kaysa sa lupang tinubuan nito.

Ezekiel 17:7 (UKJV) There was also another great eagle with great wings and many feathers: and, behold, this vine did bend her roots toward him, and shot forth her branches toward him, that he might water it by the furrows of her plantation.

5Pagkatapos, kumuha naman ng binhi ang agila mula sa lupain ng Israel at itinanim sa matabang lupa sa tabi ng ilog at mabilis na tumubo.

6Tumubo ito na isang mababang halaman na gumagapang. Ang mga sanga nitoʼy gumapang papunta sa agila at ang ugat ay lumalim. Nagsanga pa ito at marami pang umusbong.

7“Ngunit may isa pang malaking agilang dumating. Malapad din ang mga pakpak at malago ang balahibo. Ang mga ugat at sanga ng baging na iyon ay gumapang papunta sa agila upang mabigyan ito ng mas maraming tubig kaysa sa lupang tinubuan nito.

8Nakatanim ang baging na ito sa matabang lupa na sagana sa tubig upang tumubo, mamunga at maging maganda.

9“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay magtatanong: Patuloy ba itong tutubo? Hindi! Bubunutin ito at kukunin ang mga bunga at pababayaang malanta. Napakadali nitong bunutin, hindi na kinakailangan ng lakas o maraming tao upang bunutin ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.