4Nang mabalitaan ito ng ibang bansa, hinuli nila ito at dinala sa Ehipto na nakakadena.
5“ ‘Nang malaman ng ina ng leon na bigo ang pangarap niya para sa kanyang anak, pinalaki niya uli ang isa pang anak at naging malakas na leon din ito.
6Sumama ito sa iba pang mga leon at natutong manghuli at manlapa ng tao.
7Giniba niya ang mga kampo ng kanyang mga kaaway at winasak ang kanilang mga bayan. Natatakot ang mga mamamayan kapag naririnig ang atungal niya.
8Kaya nagkaisa ang mga bansa upang labanan at palibutan siya. Inilabas nila ang kanilang mga lambat at siyaʼy nabitag nila sa hukay.