Ezekiel 19

Kaya nagkaisa ang mga bansa upang labanan at palibutan siya. Inilabas nila ang kanilang mga lambat at siyaʼy nabitag nila sa hukay.

Ezekiel 19:8 (UKJV) Then the nations set against him on every side from the provinces, and spread their net over him: he was taken in their pit.

6Sumama ito sa iba pang mga leon at natutong manghuli at manlapa ng tao.

7Giniba niya ang mga kampo ng kanyang mga kaaway at winasak ang kanilang mga bayan. Natatakot ang mga mamamayan kapag naririnig ang atungal niya.

8Kaya nagkaisa ang mga bansa upang labanan at palibutan siya. Inilabas nila ang kanilang mga lambat at siyaʼy nabitag nila sa hukay.

9Gamit ang kawit, hinila siya sa loob ng hawla, at dinala sa hari ng Babilonia. Ikinulong nila ito upang hindi na marinig ang pag-atungal nito sa kabundukan ng Israel.

10“ ‘Ang iyong ina ay tulad ng isang ubas na itinanim sa tabi ng tubig. Nagkaroon ito ng maraming sanga at bunga dahil sagana sa tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.